Anim na Raan at Limampung Kasalanan

    Isang hapon habang malayang pumapatak ang mga butil ng ulan. May kalamigan ang paligid na punong-puno ng samut-saring masasayang diwa. Isang malayang pag-uusap ang nasimulan na humantong sa pagpapasya. Isang pagpapasaya na kumakaharap sa isang maalab na reyalidad. Ang reyalidad na sumasalamin sa libo-libong indibidwal na nasa kahalintulad na mundong ginagalawan. Ang baluktot na katwiran at pamamaraan na pilit na pinaglalaban kahit na ang kapalit ay ang paghabang-buhay na pag-uusig sa sarili.

    Hindi na ito bagong senaryo. Sa katunayan ay laganap ito saan mang dako. Di na rin bago ang pamamaraan. Sa ibang wika nga e “lumang tugtugin” na pero ang tono at tema ay napakainit at talagang nakakaindak pa rin. Hindi rin naman kasi ganun kahirap mahulog sa sitwasyon na’to. Nagkalat lang sa pagilid ang mga kailangan mo. Kasabay lang ng matatamis na ngiti at bulag na pag-iisip, mapagtatanto mo na lang ang lahat kapag nangyari na. kahit na nasa anung edad ka pa at ano pa man ang estado mo sa buhay. Basta nasimulan mo na, siguradong uulit at uulit ka.

    Sa punto ngang ito e mas nakakabahala. Karamihan kase sa mga kabataan e maagang nakamumulatan ang ganitong kritikal na pagpapasya. Isang kritikal na guhit sa linyang hinuhubog ng tadhana. Kahalintulad ng paghahalo ng tubig at langis na sa kahit anong paraan ay hindi talaga aayon sa pag-iisa. Mga bagay na ipinipilit hanggang sa huli. Sa huling kahantungan na pagkaguho ng napakahalagang bagay. Isang pagkasira na kahit na ang haba ng panahon e hindi kayang lunasan ang pagkakasugat. Baka nga makita mo na lang isang araw ang sarili mo na umiiyak at nagsisisi sa mga bagay na nasira na hindi na kayang ayusin pa.

    Sa huli kung talagang magpapadala ka, daig mo pa ang nasunugan at nawala ng ari-arian. Isang Malaking kawalan. Walang kapayapaan at di nakakatulog ng mahimbing sa gabi. Maaaring masakit pero kung sa ganyang paraan para mamulat at matutunan ang aral na dapat matutunan, dapat talagang pagdaanan. Hindi lang naman kasi ito para sa akin o sa iyo. Karugtong nito lahat ng mga taong nasa paligid. Ang lahat ng mga kakilala, kaibigan, kamag-anak at higit sa lahat ang kapamilya. Hindi lang sa kahapon at ngayon. Karugtong pa nito ang hinaharap, ang mga darating pa. Sa ngayon di pa naman huli, may sapat na oras at panahon pa. Katulad ng isang bahagi ng tubig sa batis na nalakaran at nagambala, di maglalaon ay lilinaw din ng kusa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s